Latest Tweets:

Ikalawa ng Pebrero, 2009

maligayang pagdating mula sa mukha mo.

ang proyektong ito ay tungkol sa mga mukha.

mga mukhang nakikita natin sa iba’t ibang lugar na nakaprint sa mga tarpaulin at kung anu-ano pang paraan para mailagay ang katauhan.

marahil may rason kaya ang mga ito ay nakalabas sa madla at kung ano man ang rason na ito, iyon na lamang iyon.

ang mga susunod na pagtatala ay mga larawan ng mga materyales na ito.

tingnan natin kung saan patungo ang mga mukhang ito sa pagdaan ng panahon.

nasa publiko naman ang lahat ng ito kaya sigurado namang maaaring kuhaan ng mga larawan ang mga ito. ‘tila isa lamang itong koleksyon at pagsasama-sama.

salamat sa pagdalaw.

kung may mga katanungan o kung gusto ring magpadala ng litrato at/o saloobin, magpadala lamang ng email sa

ang.mukha.mo (at) gmail.com